3 isolation facilities, na-turnover na ng DSWD sa IP communities sa Davao del Norte
By Rey Ferrer - May 25, 2022 , 9:53 pm

Pormal nang itinurn-over ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong bagong isolation facilities para sa mga katutubo sa Asuncion, Davao del Norte.

Dalawa nito ay ipinagkatiwala sa mga opisyal at Indigenous Peoples (IP) representatives ng Barangay Camansa at Barangay Binansian, habang ang isa ay ipinagkaloob sa Barangay Sonlon, Asuncion sa nasabing lalawigan.

Ayon sa DSWD, nagkakahalaga ng ₱2.7-million ang mga pasilidad na itinayo upang tugunan ang patuloy na banta ng COVID-19 sa mga barangay.

Katuwang ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at ang National Commission on Indigenous Peoples.

Nangako ang DSWD na patuloy itong maghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa IP communities.

YOU MIGHT ALSO LIKE