8 sa 11 respondents sa Dacera case hindi sumipot sa korte ngayong araw
By Julius Gonzales - January 13, 2021 , 11:31 pm

Hindi sumipot sa korte ngayong araw ang 8 sa 11 respondents, sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa ginanap na preliminary investigation ngayong araw sa Makati Prosecutors Office, tatlo lamang sa mga respondents ang sumipot na sina John Paul de la Serna, Rommel Galido, at John Paul Halili.

Sa ginawang panayam, nanindigan din ang tagapagsalita ng Dacera Family na si Atty. Brick Reyes na may kinalaman ang droga sa pagkamatay ni Christine.

Ayon pa sa abogado ng pamilya, base sa CCTV-Footages ng City Garden Hotel, ay nag-iba ang kilos ni Christine sa ginanap na party sa dalawang kuwarto ng naturang hotel.

Kinuwestiyon din ni Atty. Reyes ang pagpapalaya ng pulis Makati kay Gregorio Angelo Rafael de Guzman,

Sa kabila nito, ay umaasa pa rin ang pamilya Dacera na magbibigay ng linaw ang resulta ng autopsy report ng NBI, sa tunay na pangyayari sa pagkamatay ng flight attendant.

YOU MIGHT ALSO LIKE