Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, patuloy na nababawasan
By Leo Sarne - November 21, 2020 , 7:14 am

Mula sa 380 kamakalawa, bumaba sa 362 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 49 na recoveries na mahigit sa 28 bagong kasong iniulat as of 6PM kagabi.

Pinakamarami sa mga bagong kaso ang iniulat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na may pitong kaso, kasunod ang Police Regional Office (PRO)-11 na may anim na kaso.

Apat na bagong kaso naman ang mula sa PRO-3; tatlo sa PRO-8; tig-2 sa PRO-10, PRO-12, at PRO-Cordillera; at tig-isa sa National Operational Support units at PRO-7.

Sa ngayon umabot na sa 7,799 ang PNP personnel na nagpositibo sa virus, kung saan 7,412 ang nakarekober.

Nananatili naman sa 25 ang mga nasawi sa hanay ng PNP mula sa naturang sakit.

YOU MIGHT ALSO LIKE