!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Aplikasyon para sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, umabot na sa 33k
By Mike Rogas - May 22, 2020 , 11:17 pm

Mahigit tatlumpo’t tatlong libo na ang nakapag-apply ng Balik Probinsya, Bagong Pagasa Program ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni National Housing Authority Executive Dir. Marcelino Escalada Jr., na sya ring head ng Balik Probinsya Program.

Ayon kay Escalada, ang bilang na ito ay nag-apply sa online website na balikprobinsya.com at nagtungo sa kanilang tanggapan para sa manual application.

Pawang mga taga Visayas at Mindanao ang karamihan sa mga aplikante mula ng ito ay ilunsad ng pamahalaan.

Posible daw umabot ng hanggang 70 thousand ang inaasahan nilang mag-aapply ng nasabing programa lalo pa at unti unting nawawalan ng trabaho ang mga ito sa Metro Manila dulot ng COVID-19.

Bago aprubahan ang aplikasyon, kinakailangan pa raw dumaan sa masusing berepikasyon ang mga aplikante para malaman kung ang mga ito ay totoong residente ng probinsyang kanilang nais uwian.

Sa mga susunod na araw ay sisimulan na uli ang pagpapauwi sa mga aplikante at inaasahang 100 katao kada araw ang kanilang mapapauwi.

Hinikayat din nito ang iba pang nais magbalik probinsya na samantalahin ang programang ito lalo pa at maraming ayuda ang ibibigay ng pamahalaan tulad ng financial assistance, livelihood program at maraming iba pa.

Noong Myerkules, sinaksihan nina Executive Sec. Salvador Medialdea, Sen Bong Go, PCOO Sec. Martin Andanar at iba pang ahensya ng pamahalaan.

YOU MIGHT ALSO LIKE