Appointment ni Agriculture Sec. Piñol sa MINDA, tinanggap na ng BARMM — Pangulo
By Racquel Bayan - July 11, 2019 , 11:38 pm

Tinanggap na ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Al-Hajj Murad Ibrahim ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa Mindanao Development Authority (MINDA).

Sa ambush interview kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, sinabi nito na pina- fine tune o inaayos na lamang nila ni Murad ang mga detalye para sa paglipat ni Piñol.

Nilinaw rin ng Pangulo na hindi naman niya itatalaga si Piñol doon upang manduhan ang mga ito, bagkus ay upang umasiste lamang at magsilbing pointman ng Pangulo doon.

Muling sinabi ng Pangulo na nais raw niya kasing magkaroon ng pointman na ipinanganak at lumaki sa Mindanao, at naging magsasaka at governor din.

Ang prayoridad ng Pangulo sa kasalukuyan ay makakilos ng mabilis ang BARMM, upang makita na ng mga Moro ang porma ng pamahalaan na kanilang hiniling at ipinaglaban.  | ulat ni Racquel Bayan

YOU MIGHT ALSO LIKE