Appointment online booking system sa mga ospital sa Antipolo, binuksan 
By Merry Ann Bastasa - June 30, 2020 , 11:57 am

Inanunsyo ni Antipolo Mayor Andrea Ynares na magkakaroon na ng opsyon na appointment online booking ang mga pasyente sa apat na pampublikong ospital sa lungsod.

Ayon sa alkalde, bahagi ito ng patuloy na interventions ng pamahalaang lokal sa ilalim ng ‘new normal’ bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19.

Sa pamamagitan aniya ng online booking system, maiiwasan na ang kumpulan ng mga tao sa mga ospital.

Kabilang sa mga ospital na mayroon nang online booking ang Rizal Provincial Hospital System-Antipolo Annex 1 sa Brgy. Dela Paz, ang Rizal Provincial Hospital System-Antipolo Annex 2 sa Brgy. Dalig, Antipolo City Hospital System sa Marikina-Infanta Road, Brgy. Inarawan at ang Antipolo City Hospital System sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan.

Ilan naman sa mga serbisyong maaaring ipa-book online ang outpatient department, prenatal check-up para sa mga buntis, pati obgyne o obstetrical-gynecological check-up.

Samantala, sa pinakahuling COVID update sa Antipolo, ay mayroong naitalang 9 na bagong kaso ng COVID-19 kaya sumatotal ay nasa 281 na ang confirmed covid cases nito habang nananatili naman sa 155 ang kabuuang bilang ng recoveries.

YOU MIGHT ALSO LIKE