!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Automatic civil service eligibility sa mga atleta na mananalo sa int’l competition, iminungkahi ng isang mambabatas
By Kathleen Jean Forbes - December 3, 2019 , 7:38 am

Pinag-aaralan ni House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chair at Iligan Rep. Frederick Siao ang pagbuo ng isang panukala na magbibigay ng automatic cvil service eligibility sa mga atleta na mananalo sa international competition.

Ayon kay Siao, maliit na bagay lamang ito para sa malaking karangalan na ibinibigay ng mga atleta.

Sa kanyang binabalangkas na panukala, mabibigyan ng pagkakataon ang mga atleta na nais pumasok sa gobyerno bilang sports coordinator o kaya naman ay sa philippine sports commission na magkaroon ng posisyon kahit hindi pa kumukuha ng civil service exam.

Paglilinaw naman ng mambabatas, inaaral pa niya ito at kumukuha pa ng mungkahi mula sa ibang mambabatas.

Kasabay naman nito ay muling nagpaabot ng suporta ang mambabatas sa ating mga atleta na kabahagi ng 30th SEA Games.

YOU MIGHT ALSO LIKE