Average COVID-19 cases sa Quezon City, bahagya na namang tumaas
By Diane Lear - May 25, 2022 , 10:17 pm

Umangat sa 17 naitatalang average ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lungsod Quezon. 

Ayon sa Quezon City government, batay sa datos ng OCTA Research, mas mataas ito kumpara sa 12 average na kaso kada araw noong isang linggo. 

Nasa 1.5% naman ang positivity rate sa lungsod, mas mataas kumpara sa 1.4% noong isang linggo. 

Tumaas din ang reproduction number sa QC sa 1.28 mula sa 0.96. 

Samantala, base sa pinakahuling tala ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, tumaas sa 120 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. 

Nadagdagan ito ng siyam mula sa 111 na kaso noong May 17.

YOU MIGHT ALSO LIKE