!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ayuda para sa mga apektadong OFW, aabot na sa halos kalahating bilyon
By Kathleen Forbes - May 23, 2020 , 12:28 am

Nasa P497.392 billion na ang nagagastos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa ayudang ibinibigay sa mga overseas Filipino workers na apektado ng lockdown magmula noong Marso, 2020 hanggang ngayong May 16, 2020.

Sa virtual hearing ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na sa halagang ito, P407.9 billion ang kanilang ibiniayad para sa hotel accommodation ng mga repatriated OFWs.

Aabot naman sa P78.5 million ang nagagastos nila para sa pagkain habang P10.8 million naman para sa transportation ng mga ito.

Nasa 35,133 OFWs naman ang kanilang natutulungan hanggang noong Mayo 19, 2020.

Samantala sa kabuuang 9,100 na OFW na namamalagi sa mga hotel para sa quarantine, nasa 7,500 na aniya ang sumailalim sa test at 3,500 dito ang may result ana.

Sa 3,500 na may resulta nasa 2,500 naman ang nabigyan na ng clearance na sila ay negatibo sa virus.

YOU MIGHT ALSO LIKE