!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Bawas-singil ng Philhealth sa COVID-19 testing package, aprubado
By Nimfa Asuncion - May 23, 2020 , 2:13 am

Welcome para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang desisyon ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na bawasan ng kalahati ang kanilang singil sa coronavirus disease (COVID-19) test package.

Binaba ng Philhealth sa Php4,210 ang singil nito sa COVID-19 testing matapos masita ng Senador sa pagdinig sa Senado ang unang lagpas doble nilang singil sa testing package na aabot ng Php8,150.

Sa kabila nito, sinabi ni Drilon na dapat pang mas babaan ng ahensya ang halagang ito.

Ayon sa Senador, dapat ay ibaba pa ng Philhealth sa Php3,500 ang presyo para sa COVID-19 test package kapantay ng singil ng Philippine Red Cross (PRC).

Giit ng Minority Leader, kung kaya ng PRC na maningil ng ganito kababa para sa COVID-19 test, walang dahilan ang Philhealth para sa mas mataas nilang rates.

Pinunto pa ni Drilon na ang ilan ngang institusyon ay kaya pang ibaba ang singil hanggang Php2,000.

Sa huli, sinabi ng mambabatas na ang ginawang adjustment na ito ng Philhealth sa singil sa COVID-19 test package ay maituturing na tagumpay para sa mas maayos na governance at anti-corruption drive.

Isa aniya itong paalala sa Philhealth at sa buong gobyerno na rin na nagbabantay ang taumbayan.

YOU MIGHT ALSO LIKE