!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Bayan Muna Partylist, ikinatuwa ang desisyon ng SC sa P30K basic salary ng nurses
By Kathleen Jean Forbes - October 10, 2019 , 5:01 pm

Ikinalugod ng Bayan Muna Partylist ang hakbang ng Korte Suprema na pagtibayin ang probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 kung saan nakasaad na hindi dapat bababa sa Salary Grade 15 o katumbas ng P30,000 ang minimum na sweldo ng mga nurse sa pampublikong ospital.

Ayon kay Deputy Minority Leader at Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, positive development ito na pakikinabangan ng ating mga nurse.

Tiniyak naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na mas lalo pa nilang itutulak sa Kamara na maisabatas ang P30,000 na entry-level monthly salary ng mga nurses.

Aniya, hindi nila titigilan ang pagsusulong sa House Bill 3478 na layong gawing P30,000 ang minimum na sahod ng mga nurses sa bansa.

Kahit kasi kinatigan ng Korte Suprema ang probisyon sa Philippine Nursing Act na dapat ay Salary Grade 15 ang basic na sweldo ng mga nurses ay hindi naman ma-oobliga ng nasabing desisyon na ipatupad ito ng gobyerno at kakailanganin pa rin ang batas para dito.

Sakaling maging ganap na batas ay makakatulong ito para maiwasan na ang exodus ng mga Filipino nurses abroad lalo pa’t nahaharap ang bansa sa banta ng maraming sakit tulad ng polio, dengue, measles at public health crisis.

Noong taong 2015 nang maghain ng petisyon ng Ang Nars Party-list kung saan hiniling nila sa Supreme Court na ipatupad na ng gobyerno ang Section 32 ng R.A. 9173 o Philippine Nursing Act of 2002.

YOU MIGHT ALSO LIKE