!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
BI Commissioner Morente, di pa rin off the hook sa imbestigasyon
By Racquel Bayan - February 21, 2020 , 4:16 pm

Aabot hanggang kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang imbestigasyon ng pamahalaan, kaugnay sa “pastillas” scheme o ‘yung modus ng ilegal na pagpapapasok ng mga Chinese national sa bansa kapalit ang ₱10,000.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kahit pa pinuri kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karakter ni Commissioner Morente, at sinabing mabait at mahal niya ito, hindi aniya ito nangangahulugan na ligtas na ito sa command responsibility.

Gayunpaman, may pagkakataon din aniya na bagaman tinanggal na ni Pangulong Duterte sa pwesto ang isang opisyal at may tiwala pa rin siya rito, pwede aniyang ilipat lamang ito sa ibang pwesto na angkop sa credentials nito.

Sinabi ni Secretary Panelo, na sa susunod na cabinet meeting sa Palasyo, malalaman ang magiging pasya ng Pangulo hinggil sa kapalaran ni Morente.

YOU MIGHT ALSO LIKE