Bilang ng mga nakakumpleto na ng bakuna sa lungsod ng Maynila, umabot na sa 92% ng kanilang target
By Julius Gonzales - October 13, 2021 , 10:02 pm

Malapit nang makamit ng lungsod ng Maynila ang target nitong mabakunahan laban sa COVID-19.

Ito’y matapos umabot sa 1,254,567 ang mga nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa Maynila, hanggang kahapon.

Katumbas ito halos ng 93% o nasa 92.83% sa 1,351,487 na target maturukan ng Department of Health (DOH) bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Ngayong araw ay nagtuloy-tuloy pa rin ang bakunahan para sa 2nd dose sa Maynila.

Ang 2nd dose vaccination sa Maynila ay isinasagawa sa drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, ganundin sa 4 na malls sa lungsod, 12 eskwelahan, at sa iba’t ibang health centers sa 6 na distrito ng lungsod ng Maynila.

YOU MIGHT ALSO LIKE