Bilang ng unloading incidents sa MRT3, patuloy ang pagbaba – DOTr
By Rey Ferrer - January 14, 2020 , 8:20 pm

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kasabay ng malawakang rehabilitation works nito, na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, mula sa bansang Japan.

Base sa datos mula sa MRT-3 Control Center, 28 unloading incidents na lamang ang naitala mula Enero hanggang Disyembre 2019 sa MRT-3.

Lubhang napakalayo nito kumpara sa 586 unloading incidents na naitala noong Enero hanggang Disyembre 2016.

Ito ay dahil sa patuloy na pagsisikap ng Department of Transportation (DOTr) at ng MRT-3, para maitaas ang kalidad ng serbisyo na binibigay sa mga commuter.

Asahan pa raw ng publiko na maramdaman ang malaking pagbabago sa MRT3 sa darating na Hunyo 2021.

YOU MIGHT ALSO LIKE