Ceremonial turn-over ng cloth face mask para sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, matagumpay na naisagawa
By Julius Gonzales - February 23, 2021 , 10:52 pm

Matagumpay na ginanap ang ceremonial turn-over ng mahigit isang milyong piraso ng cloth face mask para sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ang donasyong face-mask ay mula sa Presidential Management Staff, Department of Trade and Industry at Department of Social Welfare and Development.

Kabilang sa mga dumalo sa ginanap na face mask turn-over ay mga kinatawan mula sa DTI na pinangunahan ni DTI Assistant Secretary Domingo Tolentino, bilang kinatawan ni Sec.Ramon Lopez.

Dumalo din ang ilang opisyal ng DTI na sina Director Lilian Salonga, at Assistant Sec. Demphna Du-Nagu at ilang DSWD at Manila City Hall Officials.

Bago naganap ang turn-over ceremony ay nagkaroon muna ng maikling award-giving ceremony, kung saan tumanggap ang city government of Manila ng parangal mula sa DTI.

Kabilang sa mga parangal na tinanggap ng Lungsod ng Maynila ang mga sumusunod:

1. Most competitive Higly-Urbanized City for Government Efficiency.

2. Most Competitive Urbanized city for Infrastructure. at

3. Overall Most Competitive Highly-Urbanized City for Economic Dynamism.

Malaki ang naging pasasalamat ng alkalde ng Maynila sa mga natanggap na face masks at umaasa ito na makakatulong ito sa mga taga-Maynila, na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod, sa mga panahong nag-hihintay pa ang buong bansa sa bakuna.

YOU MIGHT ALSO LIKE