!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Chinese Consulate General, namigay ng relief goods sa mga apektado ng lindol sa Digos City, Davao del Sur 
By Armando Fenequito | RP1 Davao - November 8, 2019 , 2:08 pm

Nagbigay ng relief packs ang opisina ng Chinese Consulate General para sa mga apektadong pamilya na niyanig ng lindol sa Digos City, Davao del Sur.

Mismong si Chinese Consul General Li Lin ang nag-abot ng 4,000 relief bags kay Digos City Mayor Joseph Cagas kaninang umaga sa loob ng City Disaster Risk Reduction Management Office.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Davao kay Lin, sinabi nito na nag-ambag-ambag ang kanilang opisina at mga Chinese business groups para makalikom ng pondo para sa tulong sa mga apektadong pamilya.

Ayon sa naturang opisyal na naglalaman ng bigas, can goods at hygiene kits para agad na magamit lalo na ang mga nasa evacuation centers.

Nagpasalamat naman si Cagas sa tulong na ibinigay ng konsulado ng China sa mga biktima ng lindol.

Ayon sa alkalde ibibigay ng kanyang lungsod ang natanggap na tulong sa lahat ng mga nabiktima ng lindol kahit na sa mga wala sa evacuation centers.

Sa tala ng Davao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nasa 1,501 na pamilya sa lungsod ang apektado ng tatlong malalakas na lindol na tumama noong nakaraang Oktubre.

YOU MIGHT ALSO LIKE