Chinese gov’t, nagpaabot na rin ng tulong sa mga apektado ng Taal Volcano eruption
By Julius Gonzales - January 14, 2020 , 9:12 pm

Maging ang Chinese government ay nagpaabot na rin ng ayuda sa mga kababayan nating apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang naturang tulong ay dumaan sa Chinese Embassy at sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila na may kasamang libu-libong face masks.

Ang naturang donasyon ay inihatid sa Manila City Hall ng Chinese Embassy officials na personal namang tinanggap ni Mayor Isko Moreno.

Ayon sa Chinese Embassy nakalaan sana ang mga face masks sa kanilang mga embassy personnel ngunit ibinigay na lamang ito sa Manila City Hall.

Nauna dito ay nagbigay na ng tulong ang Chinese Coast Guard ng ayudang bigas, mantika at N95 masks, sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard.

Nangako naman si Manila Mayor Isko Moreno na agad ipamamahagi sa lalong madaling panahon ang tulong mula sa Chinese Government.

YOU MIGHT ALSO LIKE