!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Chinese POGO workers na nakinabang sa pastillas scheme, ipapa-deport
By Racquel Bayan - February 21, 2020 , 4:20 pm

Pinakikilos na ng Palasyo ang Bureau of Immigration (BI) para sa deportation proceedings laban sa mga Chinese POGO worker, na ilegal na pumasok sa bansa at nakibanang sa pastillas scheme sa airport.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, trabaho ng Immigration Bureau na patalsikin palabas ng bansa ang mga dayuhang hindi sumailalim sa tamang proseso ng pagpasok sa Pilipinas, hindi lamang mga Chinese.

Ayon sa kalihim, dapat alam ng immigration ang trabaho nila, lalo pa ngayong nabisto ang itinuturing na matinding porma ng korapsyon sa immigration.

Sinabi ng kalihim, na sa oras na mapatunayang ilegal ang pagpasok sa bansa ng mga POGO workers, marapat lamang silang pabalikin kung saan sila nagmula.

YOU MIGHT ALSO LIKE