Computer shops na puno ng menor de edad, ipinasara ng Muntinlupa City government
By Hajji Kaamiño - July 31, 2020 , 7:19 pm

Ipinasara ng Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa ang ilang business establishments matapos lumabag sa health at safety protocols.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, nasampolan sa surprise inspection ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang ilang computer shops na puno ng menor de edad.

Bukod sa bawal pa silang lumabas sa ilalim ng general community quarantine, ay wala rin itong suot na face mask at hindi sumusunod sa physical distancing.

Hindi pa rin pinapayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mag-operate ang computer shops.

Dagdag pa ni Fresnedi, may mga naipasara nang bilyaran, tindahan at kainan sa lungsod, dahil sa paglabag sa protocols.

Giit ng alkalde, magsilbi sana itong babala para maging responsable at isaalang-alang ang kaligtasan ng lahat laban sa virus.

YOU MIGHT ALSO LIKE