!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
COVID-19 outbreak sa China, humuhupa na — Chinese Amb
By Hajji Kaamiño - February 21, 2020 , 4:06 pm

Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na humuhupa na kahit paano ang mga kaso ng 2019 Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa China.

Sa eksklusibong panayam ng government news agencies kay Huang, sinabi nitong patuloy na nagtatrabaho ang Chinese government para tugunan ang outbreak.

Hindi rin aniya pinababayaan ang mga Pilipinong mas piniling manatili sa Wuhan City, at sa katunayan ay maganda ang kanilang buhay doon kasama ang mga sariling pamilya.

Pinasalamatan naman ni Huang si Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa “encouraging remarks” nito sa China, sa pamamagitan ng ipinaabot na solidarity at support letter sa ginanap na Special ASEAN-China Foreign Ministers Meeting sa Laos.

Ikinalugod din niya ang pagbuhos ng financial at relief assistance, hindi lamang mula sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang mga bansa.

Samantala, kinilala ng Chinese ambassador ang partial lifting ng travel ban sa Hong Kong at Macau, pero umaasa itong isasama na rin ng gobyerno ang mainland China lalo’t negatibo ang epekto nito partikular sa turismo.

Sa kabila nito, naiintindihan naman ni Huang ang pananatili ng ban sa Chinese cities, na bahagi ng pag-iingat ng Pilipinas laban sa COVID-19.

Nasa 160 million outbound trips aniya ang naitatala mula sa Chinese tourists kada taon, habang binanggit pa nito ang pinangangambahang ₱42.9 billion na revenue loss sa turismo mula February hanggang April.

YOU MIGHT ALSO LIKE