Test kits donations ng Chinese billionaire na si Jack Ma, nai-turn over na
By Nimfa Asuncion - March 27, 2020 , 10:29 pm

Pormal nang naibigay ni Senador Manny Pacquiao ang 57,000 units ng coronavirus disease (COVID-19) test kits na idinonate sa Pilipinas ng Chinese billionaire na si Jack Ma.

Ayon kay Pacquiao, ang testing kits na ito na nagkakahalaga ng nasa Php 400 million ay nai-turn over na ngayong araw sa DOH main office sa St. Cruz, Manila.

Present sa isinagawang turn over ang mga kinatawan ng Manny Pacquiao foundation, San Lazaro Hospital Infectious Disease Head Scientist Dr. Rongene Solante at mga kinatawan ng Philippine General Hospital (PGH)

Sinabi ng Senador na sa pamamagitan ng pagpapataas ng kapasidad ng pamahalaan na magsagawa ng COVID-19 test ay tiyak na mas malalabanan rin ng bansa ang virus na ito.

Bukod sa testing kits, nakatanggap rin aniya si Pacquiao ng 500,000 face masks mula kay Ma na ituturn over rin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga face masks na ito ay iba pa sa naunang 700,000 face masks na dinonante na niya sa iba’t ibang ahensya.

Hihilingin aniya ng Senador sa DOH na bigyang prayoridad ang mga mahihirap sa pagsasagawa ng mga COVID-19 tests.

Umapela rin si Pacman sa mga mayayamang Pilipino na tumulong sa paglikom ng pondo na gagamitin sa pagbili ng mas marami pang test kits at ibang pang medical supplies na maaaring gamitin ng ating mga frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Photo courtesy of Philippine News Agency

YOU MIGHT ALSO LIKE