Czech Republic, kabilang na rin sa mga bansang mayroong travel restriction ang Pilipinas, dahil sa bagong strain ng COVID-19
By Racquel Bayan - January 26, 2021 , 10:09 pm

Pinalawig pa ng pamahalaan ang prohibisyon sa pagpasok sa Pilipinas ng mga foreign travelers mula sa iba pang mga bansa na nakapagtala na rin ng bagong strain ng COVID-19.

Alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Departmennt of Foreign Affairs (DFA) ipapabilang na sa mga ito ang Czech Republic.

Hindi na papayagang makapasok ang mga pasahero na magmumula sa bansang ito simula 12:01 ng madaling araw ng January 28 hanggang January 31, 2021.

Ang mga pasahero naman na kasalukuyan nang in transit at makalalapag sa bansa bago ang itinakdang petsa at oras ay papayagan pa rin na makapasok.

Ang mga Pilipino na uuwi ng Pilipinas mula sa nabanggit na bansa ay papayagan pa ring makapasok kahit lampas na ng January 28. Gayunpaman, isasailalim ang mga ito sa umiiral na health protocols ng pamahalaan, kabilang na ang pagsailalim sa COVID test sa pagdating sa bansa at matapos ang ika-limang araw.

“It is underscored that passengers who are allowed entry to the Philippines need to undergo RT-PCR test upon their arrival. They have to be quarantined until the result of a subsequent RT-PCR test, which is administered on the fifth day of the quarantine is released. Those who tested negative from both RT-PCR tests will be endorsed to their respective local government units, which will strictly monitor the remainder of their 14-day quarantine.” paliwanag ni Secretary Roque.

YOU MIGHT ALSO LIKE