DA at NIA, dapat i-prayoridad ang pagtulong sa mga ‘food basket’ ng bansa
By Nimfa Mae Asuncion - January 26, 2021 , 7:34 pm

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa pamahalaan na i-prayoridad at bilisan ang pagtulong na makabangon ang mga agricultural food baskets ng bansa na nasalanta ng mga nagdaang bagyo nitong nakaraang taon.

Ayon kay Hontiveros, hindi lang price control at monitoring ang mga paraan para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Dahil mas mabilis na bababa ang presyo ng gulay, prutas, karne at ibang pagkain kung agad na matutulungan ng pamahalaan na maibalik sa normal ang kanilang productivity level ng mga rehiyong ito, partikular ng Northern Luzon at Bicol region.

Partikular na nanawagan ang senadora sa Department of Agriculture (DA) at sa National Irrigation Administration (NIA) na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos ng mga drainage, irrigation system, kalsada, tulay at iba pang agriculture infrastructure na sinira ng bagyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE