DA, naglaan ng ₱30M tulong pinansiyal para sa mga magsasaka, mangingisdang naapektuhan ng pagputok ng Taal
By Rey Ferrer - January 14, 2020 , 8:26 pm

Kabuuang Php 30 milyon ang inilaan na ng Agricultural Credit Policy Council ng Department of Agriculture (DA) sa Rural Bank ng Mt. Carmel para sa pagpapatupad ng Survival and Recovery Loan Assistance.

Ayon sa DA, ang pondo ay tulong pinansiyal para sa mga magsasaka at mangingisda na naperwisyo ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas.

Base sa datus ng DA, nasa 1,200 ang kabuuang bilang ng mga ito na makikinabang sa tulong pinansiyal.

Available na rin ang pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation para ipambayad sa insured farmers at fisherfolks.

Samanatala, handa nang ipamahagi ng National Food Authority (NFA) ang inisyal na 168,758 bags ng bigas sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Taal volcano.

Tiniyak ni NFA Administrator Judy Dansal, na nasa maayos na kondisyon sa mga warehouse ang mga rice stocks at ligtas para sa human consumption.

Tuloy-tuloy din ang monitoring ng DA at BFAR sa presyo at pinagmulan ng food supply para sa mga pamilihan sa Metro Manila.

YOU MIGHT ALSO LIKE