!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DA, nilinaw na wala pang outbreak ng ASF sa Tandang Sora, QC
By Rey Ferrer - October 11, 2019 , 9:53 am

Wala pang kumpirmasyon na may African Swine Fever na sa Barangay Tandang Sora sa Quezon City.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) wala pang lumalabas na resulta sa ginawang laboratory examination sa ilang baboy sa barangay.

Ayon kay DA Assistant Secretary Noel Reyes, hindi sinasadya na nagkaroon ng pagkakamali sa kanilang ulat mula sa Commonwealth at ang tinutukoy nito na may sintomas ng ASF ay ang Barangay Pasong Tamo.

Base sa ulat ng QC Veterinary Office, may ilang baboy ang nakitaan ng sintomas ng ASF virus sa Barangay Pasong Tamo kaya’t mga hog raisers na mismo ang nanguna sa pagpatay sa kanilang alagang baboy.

Kabilang pa sa mga barangay na naapektuhan ng ASF ang Barangay Tatalon, Bagong Silangan at Payatas.

Gayunman, matapos isailalim sa culling process sa mga barangay, ideneklara na ng city government na contained na ang ASF.

Sa kabila nito patuloy pa ang monitoring na ginagawa ng city government at nakiusap sa mga residente na makipagtulungan para hindi na kumalat pa ang virus sa ibang lugar sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE