Dalawang menor de edad na ginawang sex slave ng NPA, nailigtas
By Leo Sarne - September 16, 2020 , 1:56 pm

Naligtas ng mga tropa ng 93rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang dalawang menor de edad na ginawang sex slave ng New People’s Army sa operasyon sa Barangay Rizal, Kananga, Leyte nitong weekend.

Ang rescue operation ay ikinasa matapos na isumbong ng mga residente sa militar ang presensya ng mga armadong tao sa kanilang komunidad na may kasamang mga menor de edad na nagsasagawa ng mga illegal na aktibidad.

Sa naturang operasyon, nagkaroon ng 10 minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at 10 NPA na nagresulta sa pagkasawi ni PFC Nicxon Tomenio at pagka-aresto ng dalawang NPA.

Ligtas naman narekober ng mga sundalo ang dalawang menor de edad matapos silang gamitin bilang human-shields ng mga nagsitakas na NPA, at nai-turn over sa Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).

Narekober din ng mga tropa ang isang .45 pistol at mga bala, cellphone, electronic gadgets, oral contraceptives, Anakpawis ID cards at iba pang subersibong dokumento.

Isinalaysay ng mga menor de edad na pinapa-inom sila ng NPA ng oral contraceptives upang gawing parausan sa bundok kasama ang iba pang mga babaeng miyembro ng NPA.

YOU MIGHT ALSO LIKE