!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DAR, namahagi ng titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries sa Rizal
By Rey Ferrer - October 11, 2019 , 10:24 am

Tiniyak ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa mga magsasaka na hindi natatapos ang tulong ng gobyerno sa pamamahagi ng lupa.

Pahayag ito ng kalihim kasunod ng pamamahagi ng land titles ng 153.9 ektarya ng agricultural land sa 176 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Tanay, Rizal.

Photo courtesy of DAR FB page

Bukod aniya sa titulo, may support services pang ibibigay ang gobyerno upang mapalago at maging produktibo ang kanilang lupain.

Dahil ang gobyerno sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines ang bumili ng private agricultural land, dapat lamang daw na maging responsable ang mga ARB sa kanilang obligasyon.

Babayaran ng agrarian reform beneficiaries ang amortization ng lupa sa bangko sa loob ng 30 taon at bayarin sa buwis sa pamahalaang lokal.

Photo courtesy of DAR FB page

Hangad ng DAR, Department of Agriculture (DA), Land Bank of the Philippines, at iba pang CARP-implementing agencies na gumanda ang buhay ng mga benepisyaryo matapos matanggap ang kanilang titulo ng lupa.

YOU MIGHT ALSO LIKE