!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Dating BuCor official, tetestigo sa pagdinig bukas sa ‘hospital pass for sale’ – Sen. Go
By Nimfa Asuncion - September 11, 2019 , 6:57 pm

Isang dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tetestigo bukas sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee bukas tungkol sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at iba pang anomalya sa loob ng Bilibid at BuCor.

Ayon kay Go, malaking testigo itong haharap sa pagdinig bukas at mapapatunayan aniya nito ang sinasabing isiniwalat niyang nangyayaring ‘hospital pass for sale’.

PANOORIN | Isang dating BuCor official, tetestigo sa pagdinig bukas tungkol 'hospital pass for sale' ayon kay Senador Bong Go. | via Nimfa Asuncion

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 11, 2019

Matagal na aniyang kakilala ng senador ang testigong ito at ito ang mismong lumapit sa kanya para magsiwalat ng kanyang nalaman.

Naroon aniya mismo at nakita mismo ng testigong ito nang nagaganap na mga illegal drug transaction sa loob ng ospital.

Una nang binanggit ng senador, na walong high profile inmate ang sangkot sa bagong modus na nadiskubreng ito sa loob ng New Bilibid Prison.

Mula aniya sa loob ng ospital ay namamando nila ang illegal drug transaction na nagaganap sa labas.

Dagdag impormasyon rin aniya mula sa testigo,  na pinapayagan ang mga naka-confine na inmate na gumamit ng cellphone at iba pang pinagbabawal na gamit sa mga preso.

Giit ni Go, hindi lang ang mga inmate ang problema ng BuCor kundi lalo na ang mga bantay sa bilibid.

YOU MIGHT ALSO LIKE