!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Dating Calauan Mayor Sanchez, di na maaaring humawak ng public office – Palasyo
By Racquel Bayan - August 21, 2019 , 7:43 pm

Iginiit ng Palasyo na hindi na maaaring humawak pa ng public office si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa oras na makalaya na ito, matapos mapabilang sa nasa isang libong preso na binigyan ng impending release ng Bureau of Corrections (BuCor).

Kung matatandaan kasi, pinatawan ito ng pitong bilang ng reclusion perpetua dahil sa panggagahasa at pamamaslang nito sa dalawang mag-aaral ng UP Los Baños noong 1993.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaari lamang tumakbo si Sanchez kung binigyan ito ng absolute pardon.

Halimbawa sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada, na nakatakbo pa at nanalo sa pagka-alkalde ng Maynila makaraang gawaran ng pardon matapos ma-convict sa kasong plunder at mapatawan ng reclusion perpetua.

Kaugnay nito, sinabi ni Panelo na wala siyang nakikitang mali sa paglaya ni Sanchez dahil alinsunod ito sa batas ay mayroong pinagbatayan sa desisyong ito.

YOU MIGHT ALSO LIKE