!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Dating Sen. Enrile: May pananagutan sina Sen. De Lima, dating Sen. Mar Roxas sa kontrobersiya sa GCTA law
By Nimfa Asuncion - September 18, 2019 , 10:50 pm

Naniniwala si dating Senator Juan Ponce Enrile na dapat panagutin sina dating Department of Justice (DOJ) Secretary at Senator Leila De Lima at dating DILG Secretary Mar Roxas sa kaguluhang idinulot ng implementasyon ng good conduct time allowance (GCTA) law.

Ayon kay Enrile, sina De Lima at Roxas ang nasa likod ng diumano’y iregularidad sa implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas.

Dating Senator Juan Ponce Enrile, naniniwalang may pananagutan sina Senator Leila de Lima at dating Senador Mar Roxas sa kontrobersiya sa GCTA law. | ulat ni Nimfa Asuncion www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 18, 2019

Giit ng batikang senador, malinaw na nakasaad sa Section 1 ng Republic Act 10592 o ng GCTA law na hindi dapat kasama sa mga nagagawaran ng good conduct time allowance ang mga heinous crime convict.

Bagay na hindi klarong inilagay sa binuong IRR nina De Lima at Roxas.

Ito aniya ay unconstitutional at dapat ituring na void ab initio o wala nang bisa mula simula pa lamang.

Dahil dito, sinabi ni Enrile na dapat maparusahan ang dalawa ng habang buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng pwesto sa gobyerno.

Dagdag pa ng dating senador, sila ang may kasalanan kung bakit naging magulo ang implememtasyon ng batas at ginawang gabay lamang ito ng mga naupong BuCor chief.

Matatandaang si Enrile ang senate president nang maisabatas ang RA 10592 o ang GCTA law noong 2013, samantalang si De Lima ang DOJ secretary at si Roxas naman ang DILG secretary na gumawa ng IRR ng batas nang mga panahong iyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE