!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Dayalogo ng mga PBS station manager, nagpapatuloy
By Diane Lear - November 8, 2019 , 2:34 pm

Pinangunahan ni Philippine Broadcasting Service Director Rizal Giovanni Aportadera, Jr., ang pagbubukas ng plenary session kasama ang PBS station managers nationwide sa ikalawang araw ng 2019 PBS Leaders Summit.

Sa pambungad na pahayag ni Aportadera, sinabi nito na ang pangunahing problema ng PBS ay ang kakulangan sa mga tauhan, na nagiging dahilan kung bakit hindi ganoon ka-epektibo at hindi napapantayan ng ahensya ang mga katunggali nitong istasyon.

Gayunpaman, ngayong 2019, tinutukan ng PBS ang pagsasaayos ng flagship station na Radyo Pilipinas 1. Sinabi ni Aportadera na kayang lumaban at umangat sa ratings ng RP1, sa pamamagitan ng syndicated programs na makatutulong sa pagpapalakas ng audience share.

Nakatakda ring isaayos sa 2020 ang mga provincial station ng PBS. Sa katunayan ay nasimulan na ito sa pamamagitan ng Radio Rehab program ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinangunahan ni PCOO Sec. Martin Andanar. Nauna nang inayos ang RP1 Butuan ngayong Nobyembre, kabilang ito sa 10 istasyon sa probinsya na uunahing ayusin bago matapos ang taon.

Nabanggit rin sa sesyon na nakatakdang simulan ang groundbreaking ng bagong PBS broadcast center sa 2021 sa Taguig City.

YOU MIGHT ALSO LIKE