!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DFA, ipinagbawal muna ang trainings, trips sa mga bansang may COVID-19
By Alvin Baltazar - February 18, 2020 , 12:20 pm

Pinagbabawalan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang mga empleyado na nasa official trip na dumaan sa China, Hong Kong at Macau.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Eduardo Menez, na ito ang isinasaad sa Department Circular 042020, at hinihikayat din nila ang kanilang mga kawani na ipagpaliban na lang muna o tuluyan nang ikansela ang foreign travel sa mga bansang may Corona Virus Disease  2019 (COVID-19).

Bukod sa department circular hinggil sa pagbabawal na mag lay over sa tatlong nabanggit na lugar, mayroon na din ani Menez silang bukod pang circular sa kanilang personnel.

Ito ay may kinalaman naman sa pansamantalang pagsususpinde ng ano mang department-organized internal trainings na gagawin sa ibang bansa.

Binigyang diin ni Menez, na ito ay bahagi ng kanilang pagtalima sa Department of Health (DOH) protocol, at makaiwas na makapitan ng kinatatakutang sakit na COVID 19.

YOU MIGHT ALSO LIKE