DFA, pinakikilos na makipag-ugnayan sa US authorities ukol sa hate crimes cases sa US vs. Asians
By Kathleen Forbes - February 26, 2021 , 9:18 pm

Nagpahayag ng pangamba si AKO BICOL Partylist Representative Alfredo Garbin Jr., sa seguridad ng Filipino-American community sa Estados Unidos.

Kasunod ito ng hate crimes o pag-atake sa miyembro ng Asian-Americans sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang pag-atake sa isang Filipino senior sa New York subway, na hiniwa ng box cutter ang mukha habang ang isa ay sa isa pang senior citizen na Filipina sa San Diego.

Bunsod nito, umapela si Garbin sa Department of Foreign Affairs (DFA), na ipaabot sa US authorities sa pamamagitan ng ating embahada at konsulado, na mabigyan ng proteksyon ang Filipino community.

Diin pa nito, na dapat maglatag ng epetkibong tugon ang US authorities laban sa racially motivated hate crimes.

Umaasa ang kinatawan, na mahuhuli at mapaparusahan ang mga suspek sa magkahiwalay na insidente.

Sa ngayon aniya, ay may volunteer groups na binuo ang ilang Asian Americans para magsilbing escort o bantay ng mga senior citizen.

YOU MIGHT ALSO LIKE