!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DICT Sec. Gringo Honasan, kinumpirma na sa CA
By Nimfa Asuncion - September 11, 2019 , 7:00 pm

Mabilis na kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) si dating senador at ngayo’y Department of Information and Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan.

Hindi tumagal ng isang oras ang confirmation ni Honasan dahil walang mambabatas ang kumwestiyon at tumutol sa pagdinig nito.

Ilan naman sa kasamahan niya dati sa senado ang nagpatunay ng kakayahan ni Honasan.

Kabilang na diyan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na sinabing hindi makukwestiyon ang dignidad ng bagong kalihim.

Sinabi naman ni Senator Cynthia Villar na kwalipikado si Honasan sa pagiging DICT secretary at kumpiyansa silang magagampanan niya ang tungkulin at responsibilidad sa ahensya.

Sinabi naman ni Honasan, na isa sa mga pinakamabigat na pagsubok na haharapin niya sa ahensya ay ang transition ng bansa sa digital age.

Kabilang aniya sa plano niya ay ang pagtatayo ng electronic classrooms at pagiging digital ng mga government transaction.

YOU MIGHT ALSO LIKE