DICT, titiyakin na di makokompromiso ang privacy ng publiko sa naglalabasang contact tracing apps
By Kathleen Jean Forbes - September 16, 2020 , 2:16 pm

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi makokompromiso ang privacy ng publiko sa naglabasang contact tracing apps.

Kasunod ito ng apela ni Deputy Speaker Ferdinand Hernandez na magkaroon ng crackdown ang ahensya sa mga nagsulputang contact tracing apps sa kabila ng inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang iisang application na gagamitin para sa COVID-19 tracing na StaySafe app.

Paglilinaw naman ni National Privacy Commission Chair Raymund Liboro na batay sa inilabas na IATF Resolution No. 70, bagamat ang StaySafe App ang isinusulong na official contact tracing app, ay aaralin pa rin ang iba pang application kung ito ba ay nakakasunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH) at kung maaari itong maging inter-operable.

Sa ngayon ay nasa DOH ang controllership ng StaySafe app at maglalabas aniya ang IATF ng panibagong report o resolusyon kung saan nakapaloob ang mga guidelines ng tracing app ecology.

YOU MIGHT ALSO LIKE