!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DILG, umapela sa mga may kayang Pinoy na ipaubaya na lang sa mga mahihirap ang ayuda ng gobyerno 
By Alvin Baltazar - March 26, 2020 , 7:31 am

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga nakaka-angat sa buhay na kung maaari ay ipaubaya na lang sa mga mahihirap at huwag na munang makihati sa ayudang ibinibigay ng pamahalaan.

Ang panawagan ay ginawa ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa harap ng mga impormasyong nakararating sa kanila na marami pa rin ang hindi nahahatiran ng tulong mula sa gobyerno.

Pakiusap ni Malaya sa mga may maganda namang buhay at nakatira sa mga subdivision na huwag nang maghintay ng tulong sa gobyerno gayung ang mga tinaguriang isang kahig, isang tuka o ang mga mahihirap nating mga kababayan ang talagang prayoridad nilang mahatiran  ng ayuda.

Sakop din ng panawagan ni Malaya ang government employees na aniya’y tuloy naman ang suweldo kahit naka-work from home.

Limitado ang pondo ng gobyerno sabi ni Malaya kaya dapat na maisa-prayoridad unang-una ang tulong sa mga taga-TODA at sa mga manggagawang ang inaasahan lang ay ang arawang suweldo.

YOU MIGHT ALSO LIKE