DND Sec. Lorenzana, nais makulong ng hanggang 60 araw ang mga hinihinalang terorista
By Nimfa Asuncion - August 13, 2019 , 9:16 pm

Minumungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na makulong ng hanggang animnapung araw ang mga suspected terrorist.

Isa ito sa mga pagbabagong isinulong ni Lorenzana sa pagdinig kanina ng Senate Committee on National Defense patungkol sa panukalang amyendahan ang National Security Act.

Base kasi aniya sa kasalukuyang batas, hanggang tatlong araw lamang maaaring makulong ang mga pinaghihinalaang terorista.

Paliwamag ni Lorenzana, sa pamamagitan nito ay mas mabibigyan ng panahon ang mga law enforcer na madevelop ang kaso laban sa mga suspek.

Sa pagdinig noong Oktubre 2018, tatlumpung araw ang unang hiningi ni Lorenzana para dito ngunit ngayon ay sinasabi nitong hindi ito sapat para sa case build-up.

Mahirap aniyang bumuo ng kaso laban sa isang suspek kaya’t kailangan ng mas mahabang oras para dito.

Bukod dito, nais rin ni Lorenzana na isama sa Anti Terrorism Council ang maitatalagang chief minister ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

YOU MIGHT ALSO LIKE