DOH nakapagtala ng 146 na COVID-related deaths sa buong bansa ngayong araw
By Julius Gonzales - January 13, 2021 , 11:45 pm

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 146 na mga bagong binawian ng buhay sa buong bansa dahil sa COVID -19.

Ang total deaths ngayon ay pumalo na sa 9,699 o 1.97%. Nasa 1,453 naman ang mga bagong kaso, kaya ang total cases ngayong araw ay 492,700 na.

Ang active cases ay umabot sa 24,478 o 5.0% habang 397 naman ang mga bagong gumaling kaya ang total recoveries ay 458,523 o 93.1%

Ang Quezon City muli ang nanguna sa may pinakamalaking kaso, sumunod ang Cavite, Manila, Davao City at Cebu City.

Nakapagtala naman ang DFA ng 322 na bagong kaso ng virus sa sektor ng overseas Filipinos.

Bunga nito, umabot na ang total cases sa 13,378 kung saan ang active cases ay 3,858

Nasa 397 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 458,523

Walang bagong Pinoy na namatay sa abroad sa covid, kaya nanatili o napako ang total deaths sa 935.

YOU MIGHT ALSO LIKE