DOLE: 13th month pay, pwedeng hulugan
By Lorenz Tanjoco - October 14, 2021 , 8:59 pm

Walang nakikitang problema ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbabayad ng mga kompanya sa kanilang mga empleyado ng 13th month pay ng 2-gives o paghati rito ng dalawang beses na pagbabayad.

Sa kabila nito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bago masunod ang nasabing patakaran, dapat ay dumaan ito sa pag-uusap at pagpayag ng mga empleyado at mga employer.

Sinabi rin ni Bello na naiintindihan niya ang hirap na nararansan ng mga employer, pero kailangan pa ring sumunod sa batas.

Sa ilalim kasi ng Presidential Decree 851, ang mga employer ay obligadong bagbayad ng 13th month pay bago ang Disyembre 24.

YOU MIGHT ALSO LIKE