Emergency Use Authorization ng anti-COVID vaccine ng Pfizer inaprubahan na ng FDA
By Julius Gonzales - January 14, 2021 , 11:53 pm

Inaprubahan na rin ng Food and Drug Administration ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer, para sa Emergency Use Authorization nito sa Pilipinas.

Ang Pfizer-Biontech ang unang bakuna na nabigyan ng Emergency Use Authorization o EUA sa Pilipinas.

Inanunsyo din ni FDA Director General Eric Domingo na kahapon ay nagsumite na rin ang Sinovac ng China ng kanilang EUA sa Pilipinas.

Sa kabila nito ay sisimulan ng FDA ang pag-review dito, kapag nakumpleto na ang mga kailangang dokumento.

Ayon kay Dr. Eric Domingo ng FDA, hindi pa nakapag-sumite ang Sinovac ng kumpletong data, para sa kanilang clinical trial.

YOU MIGHT ALSO LIKE