EO sa pagbuo ng task force na tututok sa employment recovery sa gitna ng pandemya, inihahanda na ng Malacañang
By Racquel Bayan - February 23, 2021 , 5:37 pm

Bubuo ang pamahalaan ng isang task force na partikular na tututok sa employment recovery efforts ng pamahalaan, na lubhang naapektuhan dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inihahanda na ang executive order upang ma-institutionalized ang 2021-2022 National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force.

Sinabi ng kalihim, na titiyakin ng NERS Task Force ang mabilis na pagbangon at pagpapalakas sa employment sa Pilipinas, lalo at pumalo sa 17.6 percent o katumbas ng 7.2 milyon mga Pilipino ang walang trabaho noong April 2020.

Ayon kay Secretary Nograles, kahit napababa ito sa 8.7 percent noong October 2020, batid nila ang pangangailangan ng national strategy para sa pagbubukas ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

“While we were able to half that to 8.7 percent by October 2020, we recognized that a coherent national strategy can help create a policy environment that encourages generation of more employment and entrepreneurship opportunities.” —Secretary Nograles.

Ang Task Force na ito, ay pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

YOU MIGHT ALSO LIKE