FDA, nilinaw na tanging ang doktor na binigyan ng special permit for compassionate use ang papayagang gumamit ng Ivermectin
By Julius Gonzales - April 8, 2021 , 10:04 pm

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang doktor lamang ng isang ospital na binigyan ng special permit for compassionate use ang papayagang gumamit ng Ivermectin.

Paglilinaw ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo, ito’y dahil pinag-aaralan pa ang Ivermectin, kaya’t kailangang humiling ng request o permit ang isang doktor sa FDA na gagamit ng nasabing gamot.

Kailangan ding ilista ang pasyenteng pag-gagamitan at i-report sa FDA ang magiging epekto nito.

Binigyang diin pa ni Usec. Domingo na tanging ang ospital lamang ang bibili sa lisensyadong importer ng Ivermectin.

Una nang inaprubahan ng FDA ang aplikasyob ng isang doktor ng isang ospital, para sa special permit for compassionate use sa gamot na Ivermectin.

Ani Domingo, sa pamamagitan nito ay pinapayagan ang legal na paggamit sa Ivermectin ng naturang doktor sa ospital.

Gayunpaman, hindi pa rin ineendorso ng FDA na ligtas at epektibo ang Ivermectin, laban sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE