Food establishments at caterers, hinimok na bilhin ang mga produkto ng local farmers
By Kathleen Forbes - July 31, 2020 , 5:46 pm

Bilang suporta sa mga local farmers, ipinanukala ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap na gawing prayoridad ang pagbili ng mga ani ng local farmers o producers.

Sa ilalim ng House Bill No. 7136 o ang Marketing and Utilization of Local Agricultural Produce Act of 2020, hinihimok ang mga hotel, restaurants, at catering services, na bumili ng kinakailangang agricultural products mula sa mga lokal na magsasaka at producers.

Layon aniya nito, na matiyak na may tuloy-tuloy na kita ang mga magsasaka at walang masasayang na ani.

Sa pamamagitan nito, ay makatitiyak rin na sariwa at mura ang mabibili na agri produce ng food service establishments.

Nakapaloob din sa panukala, ang pagbuo ng isang mekanismo kung paano magiging konektado ang business owners at farmers o producers na pinakamalapit sa kanila.

Para naman sa mga lugar na may malayong mapagkukunan ng agri produce, maging sentralisado ang sistema na kung saan itatakda ang ilang probinsya bilang central source.

YOU MIGHT ALSO LIKE