!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Full implementation ng single-use plastic ban sa QC, simula na sa Hulyo
By Michael Rogas - February 21, 2020 , 4:36 pm

Simula sa darating na July 1, ay wala nang mga restaurant, hotel at iba pang mga kahalintulad na establisyimento, na papayagang gumamit ng mga disposable plastic material.

Ito ay kasunod ng full-implementation ng City Ordinance 2876 o ban on single-use plastic, na tuluyang nagbabawal sa paggamit ng plastic spoon and fork, straw at paper plates, kapag kumain sa mga fastfood at fine dining restaurants sa lungsod.

Una nang ipinag-utos ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU), na magsisimula ang implementasyon ng ordinansa nitong February 15, pero ipinagpaliban para makapaghanda ang mga apektadong establisyimento.

Sa ipinatawag na serye ng diyalogo ng City Government, bibigyan ng sapat na panahon ang mga stakeholders para sa transition period.

Ang ban on single-use plastic, ay naglalayong bawasan ang malaking volume ng basurang dulot ng plastic, na batay sa pag-aaral ay nagreresulta ng matinding pinsala sa kalikasan.

YOU MIGHT ALSO LIKE