Fully vaccinated traveler mula sa Green List Countries, hindi na ire-require na sumailalim sa facility-based quarantine, basta’t makapagpresinta ng negative RT-PCR result
By Racquel Bayan - October 13, 2021 , 10:07 pm

Inamyendahan ng Inter-agency Task Force Against Emerging Infectious Diseases (IATF) ang protocol nito para sa mga fully vaccinated travelers, mula sa Green List countries, simula October 14, 2021.

“In addition, the IATF revised the rules for Green Lanes for international arriving passengers effective October 14, 2021.” saad ni Spox Roque.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, para sa mga fully vaccinated foreign nationals, kailangan na lamang magpresinta ng negative RT-PCR test ang mga ito, na kinunan 72 hours bago ang kanilang pag-alis sa bansang panggagalingan.

“For fully vaccinated foreign nationals, a negative RT-PCR test shall be required to be taken within 72 hours prior to the departure from the country of origin.” ani Spox Roque.

Sa oras na dumating sa Pilipinas, hindi na ire-require ang mga ito na sumailalim sa facility-based quarantine, ngunit hinihikayat na obserbahan ang sarili para sa anomang sintomas ng COVID-19, sa loob ng 14 na araw.

“Upon arrival, no facility-based quarantine will be required but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day.” dagdag ni Spox Roque.

Para naman sa mga fully vaccinated na Pilipino, dalawang opsyon ang maaaring pagpilian ng mga ito.

Una, maaaring sumailalim sa facility-based quarantine hanggang mai-release ang negative RT-PCR test na isinagawa sa quarantine facility pagkalapag sa bansa.

Maaari rin aniyang piliin ng mga ito ang hindi pagsailalim sa facility-based quarantine, ngunit dapat ay makapag-presinta ng negative RT-PCR test result, na kinuha sa loob ng 72 oras bago umalis sa bansang panggagalingan. Hinihikayat rin ang mga ito na mag-self monitor para sa anomang sintomas ng virus, sa loob ng 14 days.

“On the other hand, for fully vaccinated Filipinos, they can choose facility-based quarantine until the release of a negative RT-PCR test taken in the quarantine facility upon arrival, or no facility-based quarantine after getting a negative RT-PCR test within 72 hours prior to departure from the country of origin but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day.” Ayon kay Spox Roque.

Samantala, para naman sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna, o hindi ma-verify ang vaccination status, kailangang sumailalim ng mga ito sa facility-based quarantine, hanggang lumabas ang negatibong resulta ng RT-PCR test na kukunin sa ika-limang araw.

“For the unvaccinated, partially vaccinated, or individuals whose vaccination status cannot be independently verified, and those vaccinated but failed to comply with the test-before-travel requirements, they shall undergo a facility-based quarantine until the release of a negative RT-PCR test taken on the 5th day.” paglilinaw ni Spox Roque.

Para naman sa mga foreign nationals, kailangan makapag-secure ng hotel reservations ang mga ito nang hindi bababa sa 6 na araw.

“Meanwhile, unvaccinated or partially vaccinated minor children traveling with their fully vaccinated parent/s or guardians shall be required to observe the quarantine protocols corresponding to their vaccination status. A parent/guardian shall accompany the child in the quarantine facility for the full term of the latter’s facility-based quarantine period.” pahayag ni Spox Roque.

YOU MIGHT ALSO LIKE