!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
GRAMO, umani ng suporta sa Belgian Community leaders
By Alvin Baltazar - February 21, 2020 , 3:46 pm

Umani ng suporta mula sa Belgian Community ang anti-illegal drugs campaign documentary film na “Gramo,” na ginawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa isinagawang film-showing session sa Philippine Embassy sa Belgium, inilarawan ng ilang mga nakapanood ang GRAMO bilang isang “impactful” documentary film.

Ayon kay Ronnie De Blair, police officer ng Belgian Federal Police, kailangan talagang labanan ang ilegal na droga at ang pag-atake dito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng iba’t ibang kaparaanan, gaya ng ganitong uri ng documentary film.

Sinabi naman sa kabilang banda, ni Friendship for the Philippines President Dominiek Segaert, na kailangang mapanood maging ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang documentary film.

Dapat aniyang mapagtanto ng mga tinaguriang tagapag-taguyod ng karapatang pantao, kung paano winawasak ng ilegal na droga ang libo-libong pamilya, ganundin ang kinabukasan ng mga kabataan.

Ang PCOO-produced documentary film na “Gramo,” ay dinala nina PCOO Secretary Martin Andanar sa Belgium, na ang layunin ay labanan ang maling pananaw tungkol sa drug war ng Duterte Administration.

Sa mensahe ni Secretary Andanar, sinabi nitong mahalagang mapanood ng international community ang dokumentaryo, dahil ang problema sa droga ay hindi lang aniya limitado sa Pilipinas, kundi apektado nito ang buong mundo.

YOU MIGHT ALSO LIKE