Halos P3 billion, posibleng kitain ng Pilipinas kada taon mula sa foreign direct investments oras na ma-amyendahan ang economic provision ng saligang batas
By Kathleen Jean Forbes - January 26, 2021 , 9:06 pm

Nasa tatlong bilyong piso ang posibleng kitain ng Pilipinas mula sa foreign direct investment kada taon.

Ito ang ibinahagi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa naging pag-dinig ng Kamara sa economic cha-cha.

Aniya, oras na mabuksan ang ekonomiya ng Pilipinas sa foreign investors, makapagpapasok ng P330 billion o $6.8 billion ang foreign direct investment (FDI) at makapagbigay ng 6.6 milyong trabaho sa loob ng sampung taon.

Batay sa 38th Global Investment Trends Monitor nakapagtala ng $6.4 billion na FDI ang Pilipinas nitong 2020.

YOU MIGHT ALSO LIKE