!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Higit 30,000 medical professionals, ipinadala sa Hubei province, para sa COVID-19 outbreak 
By Hajji Kaamiño - February 21, 2020 , 4:19 pm

Iginiit ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na bagama’t malaking banta sa kalusugan ang Corona Virus Disease-19 (COVID-19), maaari naman itong makontrol at kalaunan ay magagamot.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Huang, sinabi nitong mahigit 18,000 indibidwal na ang nakalabas ng ospital matapos magpositibo sa virus.

Maituturing aniya itong malaking pag-asa sa kabila ng paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa mahigit 75,000 sa China.

Ibinida rin ng ambassador na bukod sa pagpapatupad ng lockdown sa Wuhan City na mayroong sampung milyong populasyon, agad silang nagpadala ng mahigit 30,000 medical professionals sa Hubei province para tugunan ang outbreak.

Ito umano ang dahilan kaya dapat magkaroon ng scientific reassessment ang gobyerno ng Pilipinas tungkol sa ipinatupad na travel ban sa Mainland China.

Hindi lamang kasi turista ang nahaharang patungo sa Pilipinas kundi pati na mga engineers at skilled workers na may kinalaman sa mga proyekto sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE