!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Hospital pass for sale, nakarating na sa kaalaman ng Pangulo – Palasyo
By Alvin Baltazar - September 12, 2019 , 11:06 am

Siguradong alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa hospital pass for sale, na isa sa mga pangunahing subject ng nakatakda ngayong imbestigasyon sa Senado.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, tiyak na hindi makalulusot ang naturang anomalya sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na nadiskubre ni Senador Bong Go.

Inihayag ni Panelo, na walang dudang tiyak na agad nang ipinaabot ni Go sa Chief Executive ang nabuking na iregularidad, na kung saan ay milyun-milyong piso ang pinag-uusapan sa nasabing anomalya.

Matatandaan nitong nakaraang Lunes ay personal na nag-inspeksiyon sa NBP si Senador Go, at doon sinasabing nangyari ang pagkakadiskubre nito sa naturang katiwalian na ang karaniwang sangkot ay mga big time drug lord at mga tiwaling taga-Bureau of Corrections (BuCor).

Sa ngayon ay sinisilip na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang anomalya, kasunod na rin ng direktiba ng Department of Justice (DOJ) na ito ay maimbestigahan.

YOU MIGHT ALSO LIKE