House minority leadership, maaga pa para pag-usapan
By Rene Tichangco - July 11, 2019 , 10:28 pm

Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maaga pa para pag-usapan sa Kamara ang usapin ng minority leadership.

Aniya, hindi pa natatapos ang usapin ng speakership fight sa Kamara matapos ang panukala ng Pangulo na magkaroon ng term sharing agreement sina Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sinabi ng Bayan Muna solon na mukhang may mga kongresista na hindi sang-ayon sa term sharing agreement.

Ayon pa sa kongresista na posibleng layon lamang ng pagsulpot ng usapin ng minority leadership sa Kamara na pagtakpan ang nagaganap na banggaan sa Kongreso.

Gayunman, dagdag pa ng partylist solon na kung pipili man ng lider minorya sa Kamara ay yaong tunay na nagmula sa oposisyon at hindi sa mayorya.  | ulat ni Rene Tichangco

YOU MIGHT ALSO LIKE